Add parallel Print Page Options

12 Kapag(A) ang iyong mga araw ay naganap na at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga ninuno, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong katawan, at aking itatatag ang kanyang kaharian.

13 Siya'y magtatayo ng bahay para sa aking pangalan, at aking itatatag ang trono ng kanyang kaharian magpakailanman.

14 Ako'y(B) magiging kanyang ama at siya'y magiging aking anak. Kapag siya'y gumawa ng kasamaan, parurusahan ko siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;

15 ngunit hindi ko aalisin sa kanya ang aking tapat na pag-ibig gaya ng aking pagkaalis nito kay Saul, na aking inalis sa harap mo.

16 Ang(C) iyong sambahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailanman sa harap ko; ang iyong trono ay matatatag magpakailanman.’”

Read full chapter

11 Kapag ang iyong mga araw ay naganap na upang ikaw ay humayo upang makasama ng iyong mga ninuno, ibabangon ko ang iyong binhi pagkamatay mo, isa sa iyong sariling mga anak, at aking itatatag ang kanyang kaharian.

12 Ipagtatayo niya ako ng isang bahay, at itatatag ko ang kanyang trono magpakailanman.

13 Ako'y(A) magiging kanyang ama, at siya'y magiging aking anak, at hindi ko aalisin ang aking tapat na pag-ibig sa kanya, gaya ng aking pagkakuha doon sa nauna sa iyo.

14 Kundi ilalagay ko siya sa aking bahay at sa aking kaharian magpakailanman; at ang kanyang trono ay matatatag magpakailanman.’”

Read full chapter

11 Ang(A) Panginoon ay sumumpa kay David ng isang katotohanan
    na hindi niya tatalikuran:
“Ang bunga ng iyong katawan
    ay aking ilalagay sa iyong luklukan.

Read full chapter

30 Yamang(A) siya'y isang propeta at nalalaman niyang nangako ang Diyos sa kanya na ang isa sa kanyang mga inapo ay iluluklok niya sa kanyang trono.

Read full chapter