Add parallel Print Page Options

14 Nagpadala(A) ng mga sugo si David kay Isboset na anak ni Saul, na sinasabi, “Ibigay mo sa akin ang aking asawang si Mical, na siyang aking pinakasalan sa halagang isandaang balat na pinagtulian ng mga Filisteo.”

15 Nagsugo si Isboset, at kinuha si Mical sa kanyang asawang si Paltiel na anak ni Lais.

16 Subalit ang kanyang asawa'y sumama sa kanya na umiiyak na kasunod niya sa daan hanggang sa Bahurim. Pagkatapos ay sinabi ni Abner sa kanya, “Umuwi ka!” Kaya't siya'y umuwi.

Read full chapter