Add parallel Print Page Options

Ito ang mga pangalan ng mga mandirigma ni David: Si Josheb-bashebet na Takemonita, na pinuno ng mga kapitan;[a] ginamit niya ang kanyang sibat sa walong daan na pinatay niya nang minsanan.

At kasunod niya sa tatlong magigiting na mandirigma ay si Eleazar, na anak ni Dodo, na anak ng isang Ahohita. Siya ay kasama ni David nang hamunin nila ang mga Filisteo na nagkakatipon doon upang makipaglaban, at ang mga tauhan ng Israel ay umalis.

10 Siya'y bumangon at nilabanan ang mga Filisteo hanggang sa ang kanyang kamay ay nangalay, at ang kanyang kamay ay dumikit sa tabak; at ang Panginoon ay gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na iyon; at ang hukbo ay bumalik na kasunod niya, upang manamsam lamang sa mga napatay.

11 At kasunod niya'y si Shammah na anak ni Age, na Hararita. Ang mga Filisteo ay nagtipun-tipon sa Lehi, na kinaroroonan ng isang pirasong lupa na punô ng lentehas; at ang mga tauhan ay tumakas sa mga Filisteo.

12 Ngunit siya'y nanatili sa gitna ng taniman at ipinagtanggol ito, at pinatay ang mga Filisteo; at ang Panginoon ay gumawa ng isang dakilang tagumpay.

13 At tatlo sa tatlumpung pinuno ay lumusong at pumunta kay David sa panahon ng pag-aani sa yungib ng Adullam nang ang isang pulutong ng mga Filisteo ay nakahimpil sa libis ng Refaim.

14 Si David noon ay nasa kuta, at ang pulutong noon ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem.

15 May pananabik na sinabi ni David, “O may magbigay sana sa akin ng tubig na maiinom mula sa balon ng Bethlehem, na nasa tabi ng pintuang-bayan!”

16 At ang tatlong mandirigma ay pumasok sa kampo ng mga Filisteo, at umigib ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa tabi ng pintuang-bayan, kumuha ng tubig at dinala kay David. Ngunit ayaw niyang inumin iyon, kundi kanyang ibinuhos na alay sa Panginoon,

17 at kanyang sinabi, “Malayo nawa sa akin, O Panginoon, na aking gawin ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaki na pumaroon at itinaya ang kanilang buhay?” Kaya't ayaw niya itong inumin. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong mandirigma.

18 At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Zeruia ay pinuno ng tatlumpu.[b] At kanyang ginamit ang kanyang sibat laban sa tatlong daan at kanyang pinatay sila, at nagkamit ng pangalan bukod sa tatlo.

19 Siya ang pinakabantog sa tatlumpu,[c] at naging kanilang pinuno; subalit hindi siya umabot sa tatlo.

20 Si Benaya, na anak ni Jehoiada ay isang matapang na lalaki na taga-Kabzeel, isang gumagawa ng mga dakilang gawa; na kanyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel[d] ng Moab. Siya'y lumusong din at pumatay ng isang leon sa isang hukay nang araw na bumagsak ang niyebe.

21 Siya'y pumatay ng isang Ehipcio na isang magandang lalaki. Ang Ehipcio ay may sibat sa kanyang kamay; ngunit si Benaya ay lumusong sa kanya na may tungkod, at inagaw niya ang sibat sa kamay ng Ehipcio, at kanyang pinatay siya ng kanyang sariling sibat.

22 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaya, na anak ni Jehoiada, at nagkamit ng pangalan bukod sa tatlong magigiting na mandirigma.

23 Siya'y bantog sa tatlumpu, ngunit hindi siya umabot sa tatlo. At inilagay siya ni David na pinuno sa kanyang bantay.

24 At si Asahel na kapatid ni Joab ay isa sa tatlumpu; si Elhanan na anak ni Dodo, na taga-Bethlehem,

25 si Shammah na Harodita, si Elica na Harodita,

26 si Heles na Paltita, si Ira na anak ni Ikkes na Tekoita,

27 si Abiezer na Anatotita, si Mebunai na Husatita,

28 si Zalmon na Ahohita, si Maharai na Netofatita,

29 si Heleb na anak ni Baana, na Netofatita, si Itai na anak ni Ribai, na taga-Gibea, sa mga anak ni Benjamin,

30 si Benaya na Piratonita, si Hiddai sa mga batis ng Gaas,

31 si Abialbon na Arbatita, si Azmavet ng Bahurim,

32 si Eliaba ng Saalbon, ang mga anak ni Jassen, si Jonathan,

33 si Shammah na Hararita, si Ahiam na anak ni Sarar, na Hararita,

34 si Elifelet na anak ni Asbai, na anak ni Maaca, si Eliam na anak ni Ahitofel ng Gilo,

35 si Hesrai ng Carmel, si Farai na Arbita;

36 si Igal na anak ni Natan na taga-Soba, si Bani na Gadita,

37 si Selec na Ammonita, si Naharai ng Beerot, na mga tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Zeruia;

38 si Ira na Itreo, si Gareb na Itreo,

39 si Urias na Heteo: silang lahat ay tatlumpu't pito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 23:8 o tatlo .
  2. 2 Samuel 23:18 Sa ibang kasulatan ay tatlo .
  3. 2 Samuel 23:19 Sa ibang kasulatan ay tatlo .
  4. 2 Samuel 23:20 Sa Hebreo ay walang anak ni…