Add parallel Print Page Options

Si Haring Zedekias ng Juda(A)

18 Si(B) Zedekias ay dalawampu't isang taon nang magsimulang maghari, at siya'y naghari sa loob ng labing-isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kanyang ina ay Hamutal na anak ni Jeremias na taga-Libna.

19 Siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat ng ginawa ni Jehoiakim.

20 Sapagkat(C) dahil sa galit ng Panginoon ay nangyari sa Jerusalem at sa Juda na sila ay kanyang itinaboy sa kanyang harapan. At si Zedekias ay naghimagsik sa hari ng Babilonia.

Read full chapter

Si Haring Zedekias ng Juda(A)

11 Si(B) Zedekias ay dalawampu't isang taong gulang nang siya'y nagsimulang maghari; at siya'y naghari ng labing-isang taon sa Jerusalem.

12 Kanyang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon niyang Diyos; siya'y hindi nagpakababa sa harapan ni propeta Jeremias na nagsalita mula sa bibig ng Panginoon.

Ang Pagbagsak ng Jerusalem(C)

13 Naghimagsik(D) din siya laban kay Haring Nebukadnezar, na siyang nagpasumpa sa kanya sa pangalan ng Diyos, ngunit pinapagmatigas niya ang kanyang leeg at pinapagmatigas niya ang kanyang puso laban sa panunumbalik sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

Read full chapter