Add parallel Print Page Options

At(A) si Rezin na hari ng Siria at si Peka na anak ni Remalias na hari ng Israel ay umahon upang makipagdigma sa Jerusalem, at kanilang kinubkob si Ahaz ngunit siya'y hindi nila malupig.

Read full chapter

Pakikidigma sa Siria at sa Israel(A)

Kaya't(B) ibinigay siya ng Panginoon niyang Diyos sa kamay ng hari ng Siria, na gumapi sa kanya at binihag ang malaking bilang ng kanyang kababayan at dinala sila sa Damasco. Ibinigay rin siya sa kamay ng hari ng Israel na gumapi sa kanya at napakarami ang napatay.

Sapagkat si Peka na anak ni Remalias ay pumatay sa Juda ng isandaan at dalawampung libo sa isang araw, lahat sila ay matatapang na mandirigma, sapagkat kanilang tinalikuran ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

Read full chapter