Add parallel Print Page Options

14 Ayon sa utos ni David na kanyang ama, kanyang hinirang ang mga pangkat ng mga pari para sa kanilang paglilingkod, at ang mga Levita sa kanilang mga katungkulan ng pagpupuri, at paglilingkod sa harapan ng mga pari, ayon sa kailangan sa bawat araw, at ang mga bantay-pinto sa kanilang mga pangkat para sa iba't ibang pintuan; sapagkat gayon ang iniutos ni David na tao ng Diyos.

Read full chapter