Add parallel Print Page Options

Ngunit(A) kung ang pangangasiwa[a] ng kamatayan na nasusulat at nakaukit sa mga bato ay may kaluwalhatian, anupa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kanyang mukha, na ang kaluwalhatiang iyon ay lumilipas,

paanong ang pangangasiwa[b] ng Espiritu ay hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian?

Sapagkat kung ang pangangasiwa[c] ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ang pangangasiwa ng katuwiran ay lalong may higit na kaluwalhatian.

10 Tunay na sa ganitong kalagayan, ang dating may kaluwalhatian ay nawalan ng kanyang kaluwalhatian, dahil sa kaluwalhatiang nakahihigit dito.

11 Sapagkat kung ang bagay na lumilipas ay may kaluwalhatian, ang nananatili ay may higit pang kaluwalhatian.

12 Yamang kami ay mayroong gayong pag-asa, kami ay kumikilos na may malaking katapangan,

13 hindi(B) gaya ni Moises, na naglagay ng talukbong sa kanyang mukha upang hindi makita ng mga anak ni Israel ang katapusan ng bagay na lumilipas.

14 Subalit ang kanilang mga pag-iisip ay tumigas, sapagkat hanggang sa araw na ito, kapag kanilang binabasa ang lumang tipan, ang dating talukbong ay nananatiling hindi itinataas, sapagkat tanging sa pamamagitan ni Cristo ito inaalis.

15 Subalit hanggang sa araw na ito, tuwing binabasa ang kautusan ni Moises,[d] may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso.

16 Ngunit(C) kapag ang isang tao ay bumabaling sa Panginoon, ang talukbong ay naaalis.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Corinto 3:7 o ministeryo .
  2. 2 Corinto 3:8 o ministeryo .
  3. 2 Corinto 3:9 o ministeryo .
  4. 2 Corinto 3:15 ang kautusan ni Moises: Sa Griyego ay si Moises .