Add parallel Print Page Options

Kung ang sinumang tao ay gumagawa nito, siya ay mayabang, walang nalalaman, nahumaling sa pakikipagtalo at pakiki­paglaban patungkol sa mga salita. Sa mga ito nagmumula ang inggit, paglalaban-laban, panglalait at masamang paghihinala. Mula rito ay dumarating ang walang hanggang mga pagtatalo mula sa mga taong may bulok na pag-iisip, at salat sa katotohanan. Iniisip nila na ang pagiging maka-Diyos ay paraan ng pagpapa­yaman. Layuan mo ang mga ganitong tao.

Ngunit ang pagsamba sa Diyos na may kasiyahan ay malaking pakinabang.

Read full chapter