Add parallel Print Page Options

Ngunit kung ang balo ay may mga anak o mga apo, dapat na matutunan muna nilang ipakita na sila ay sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga nila sa kanilang sambahayan. Gantihan din nila ng kabutihan ang kanilang mga magulang at ninuno sapagkat mabuti at katanggap-tanggap ito sa harapan ng Diyos. Ngayon, ang babae na isang tunay na balo at nag-iisa ay sa Diyos umaasa. Gabi at araw, siya ay nagpapatuloy sa paghiling sa Diyos at pananalangin. Ngunit ang balo na nagpapakabuyo sa pansariling kasiyahan, bagaman siya ay nabubuhay, siya ay patay.

Read full chapter