Add parallel Print Page Options

Bukod pa rito, kailangang iginagalang siya ng mga hindi miyembro ng iglesya para hindi siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diablo.

Ang mga Tagapaglingkod sa Iglesya

Ganoon din naman sa mga tagapaglingkod sa iglesya:[a] kailangang kagalang-galang sila, tapat sa kanilang salita, hindi lasenggo, at hindi sakim. Kailangang iniingatan nila nang may malinis na konsensya ang ipinahayag na katotohanan tungkol sa pananampalataya kay Cristo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:8 tagapaglingkod sa iglesya: sa Griego, diakonos.