Add parallel Print Page Options

16 Ngunit ito mismo ang dahilan kung bakit niya ako kinahabagan, upang sa pamamagitan ko na pinakamasama ay maipakita ni Cristo Jesus kung gaano siya katiyaga at maging halimbawa ito sa mga sasampalataya at bibigyan ng walang-hanggang buhay. 17 Ngayon, sa Haring walang-hanggan, walang-kamatayan at di nakikita, ang iisang Diyos, sumakanya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailanpaman. Amen.

18 Timoteo, anak ko, itinatagubilin ko sa iyo ang mga bagay na ito ayon sa mga propesiya noon ukol sa iyo upang sa pamamagitan ng mga ito ay masigla kang makipaglaban gaya ng mabuting kawal,

Read full chapter