Add parallel Print Page Options

15 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito at nararapat tanggapin ng lahat: Dumating si Cristo Jesus sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan, at ako ang pinakamasama sa lahat. 16 Ngunit ito mismo ang dahilan kung bakit niya ako kinahabagan, upang sa pamamagitan ko na pinakamasama ay maipakita ni Cristo Jesus kung gaano siya katiyaga at maging halimbawa ito sa mga sasampalataya at bibigyan ng walang-hanggang buhay. 17 Ngayon, sa Haring walang-hanggan, walang-kamatayan at di nakikita, ang iisang Diyos, sumakanya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailanpaman. Amen.

Read full chapter