Add parallel Print Page Options

13 Bagama't ako noon ay lapastangan, nang-uusig, at marahas na tao, kinahabagan niya ako sapagkat nagawa ko ang mga bagay na iyon dahil sa aking kamangmangan nang hindi pa ako sumasampalataya. 14 Sumagana sa akin ang kagandahang-loob ng Panginoon, kasama ang pananampalataya at pag-ibig na nakay Cristo Jesus. 15 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito at nararapat tanggapin ng lahat: Dumating si Cristo Jesus sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan, at ako ang pinakamasama sa lahat.

Read full chapter