Add parallel Print Page Options

Panimula

Mula (A) kina Pablo, Silas, at Timoteo; para sa iglesya ng mga taga-Tesalonica, na hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa ating Diyos.

Ang Pananampalataya ng mga Taga-Tesalonica

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y binabanggit namin kayo sa aming dalangin. Sa mga dalangin nami'y ginugunita namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang gawain ninyo na bunga ng pananampalataya, ang inyong pagsisikap dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiyaga dahil sa inyong matibay na pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

Read full chapter