Add parallel Print Page Options

40 Pagdating ng mga mensahero sa Carmel, sinabi nila kay Abigail, “Pinapunta kami ni David sa iyo upang sunduin ka at gawing asawa niya.” 41 Lumuhod si Abigail at sinabi, “Pumapayag ako. Handa akong paglingkuran siya pati na ang kanyang mga alipin.[a] 42 Dali-daling sumakay si Abigail sa asno at sumama sa mga mensahero ni David. Kasama niya ang lima niyang aliping babae at naging asawa siya ni David.

Read full chapter

Footnotes

  1. 25:41 pati na ang kanyang mga alipin: sa literal, at sa paghuhugas ng mga paa ng kanyang mga alipin.