Add parallel Print Page Options

12 ay aking sinabi, ‘Ngayo'y lulusungin ako ng mga Filisteo sa Gilgal, at hindi ko pa nahihingi ang biyaya ng Panginoon;’ kaya't pinilit ko ang aking sarili at inialay ko ang handog na sinusunog.”

13 Sinabi ni Samuel kay Saul, “Kahangalan ang ginagawa mo. Hindi mo tinupad ang utos ng Panginoon mong Diyos na iniutos niya sa iyo. Ngayo'y itinatag sana ng Panginoon ang iyong kaharian sa Israel magpakailanman.

14 Ngunit(A) ngayon ay hindi na magpapatuloy ang iyong kaharian. Ang Panginoon ay humanap na ng isang lalaking ayon sa kanyang sariling puso, at itinalaga siya ng Panginoon upang maging pinuno sa kanyang bayan, sapagkat hindi mo tinupad ang iniutos ng Panginoon sa iyo.”

Read full chapter