Add parallel Print Page Options

Sinaway ni Samuel si Saul

13 Si Saul ay 30[a] taong gulang nang maging hari ng Israel, at naghari siya rito sa loob ng 42[b] taon.

Pumili si Saul ng 3,000 lalaki sa Israel para makipaglaban sa mga Filisteo. Ang mga hindi napili ay pinauwi niya. Isinama niya ang 2,000 sa Micmash at sa kaburulan ng Betel at ang 1,000 naman ay pinasama niya sa anak niyang si Jonatan sa Gibea na sakop ng mga taga-Benjamin.

Sinalakay ni Jonatan ang kampo ng mga Filisteo sa Geba at nabalitaan ito ng iba pang Filisteo. Kaya iniutos ni Saul na patunugin ang trumpeta sa buong Israel bilang paghahanda ng mga Hebreo[c] sa digmaan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:1 30: Wala ito sa Hebreo pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint.
  2. 13:1 42: Hindi kumpleto ang numero sa Hebreo: naghari siya sa loob ng at 2 taon.
  3. 13:3 Hebreo: o, Israelita.