Add parallel Print Page Options

Ang Pakikipaglaban sa mga Filisteo

13 Si Saul ay …[a] taong gulang nang siya'y magsimulang maghari; at siya'y naghari ng … at dalawang[b] taon sa Israel.

Pumili si Saul ng tatlong libong lalaki sa Israel. Ang dalawang libo ay kasama ni Saul sa Mikmas at sa maburol na lupain ng Bethel, at ang isang libo ay kasama ni Jonathan sa Gibea ng Benjamin. Ang nalabi sa mga tao ay pinauwi niya, bawat isa sa kanyang tolda.

Ginapi ni Jonathan ang tanggulan ng mga Filisteo na nasa Geba at ito ay nabalitaan ng mga Filisteo. At hinipan ni Saul ang trumpeta sa buong lupain, na sinasabi, “Makinig ang mga Hebreo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 13:1 Walang bilang sa talatang Hebreo.
  2. 1 Samuel 13:1 Ang bilang “2” ay hindi ang kabuuang bilang. Mayroong nawala.