Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Share feedback on the new Bible Gateway
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Share feedback on the new Bible Gateway
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • Explore
    • Bible News
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG2001
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG2001
Version
Read
Study
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
PrintPrintSettingsSettingsShareShareParallelParallelExpandExpandCollapse

1 Samuel 12  Ang Biblia, 2001

Nagsalita si Samuel sa Bayan

12 Sinabi ni Samuel sa buong Israel, “Narito, aking pinakinggan ang inyong tinig sa lahat ng inyong sinabi sa akin, at naglagay ako ng isang hari para sa inyo.

2 Tingnan ninyo, ang hari ang nangunguna sa inyo ngayon. Ako'y matanda na at ubanin, ngunit ang aking mga anak ay kasama ninyo. Nanguna ako sa inyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito.

3 Narito ako; sumaksi kayo laban sa akin sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kanyang binuhusan ng langis. Kaninong baka ang kinuha ko? O kaninong asno ang kinuha ko? O sino ang aking dinaya? Sino ang aking inapi? O kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin niyon ang aking mga mata? Sumaksi kayo laban sa akin at aking isasauli sa inyo.”

4 Kanilang sinabi, “Hindi ka nandaya sa amin, ni inapi kami, ni tumanggap man ng anuman sa kamay ng sinuman.”

5 At sinabi niya sa kanila, “Ang Panginoon ay saksi laban sa inyo at ang kanyang binuhusan ng langis ay saksi sa araw na ito na hindi kayo nakatagpo ng anuman sa aking kamay.” At kanilang sinabi, “Siya'y saksi.”

6 At(A) sinabi ni Samuel sa bayan, “Ang Panginoon ang siyang humirang kina Moises at Aaron at siyang naglabas sa inyong mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto.

7 Ngayon nga'y tumayo kayo, upang ako'y makiusap na kasama ninyo sa harap ng Panginoon tungkol sa lahat ng matuwid na gawa ng Panginoon na kanyang ginawa sa inyo at sa inyong mga ninuno.

8 Nang(B) si Jacob ay makapasok sa Ehipto, at ang inyong mga ninuno ay dumaing sa Panginoon, sinugo ng Panginoon sina Moises at Aaron, na siyang naglabas sa inyong mga ninuno mula sa Ehipto, at pinatira sila sa lugar na ito.

9 Ngunit(C) nilimot nila ang Panginoon nilang Diyos. Kanyang ipinagbili sila sa kamay ni Sisera, na pinuno ng hukbo ni Hazor, at sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari sa Moab; at sila'y nakipaglaban sa kanila.

10 Sila'y(D) dumaing sa Panginoon at nagsabi, ‘Kami ay nagkasala, sapagkat tinalikuran namin ang Panginoon at naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astarot; ngunit ngayo'y iligtas mo kami sa kamay ng aming mga kaaway at kami ay maglilingkod sa iyo.’

11 Kaya't(E) isinugo ng Panginoon sina Jerubaal, Bedan,[a] Jefta, at si Samuel, at iniligtas kayo sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawat dako, at kayo'y nanirahang tiwasay.

12 Nang(F) makita ninyo na si Nahas na hari ng mga anak ni Ammon ay dumating laban sa inyo, ay inyong sinabi sa akin, ‘Hindi, kundi isang hari ang maghahari sa amin;’ bagaman ang Panginoon ninyong Diyos ay siya ninyong hari.

13 Ngayon nga'y masdan ninyo ang hari na inyong pinili, na siya ninyong hiningi: at, tingnan ninyo, nilagyan kayo ng Panginoon sa inyo ng isang hari.

14 Kung kayo'y matatakot sa Panginoon, maglilingkod sa kanya, makikinig sa kanyang tinig, at hindi maghihimagsik laban sa utos ng Panginoon, at kung kayo at ang hari na naghahari sa inyo ay magiging masunurin sa Panginoon ninyong Diyos, ito ay magiging mabuti.

15 Ngunit kung hindi ninyo papakinggan ang tinig ng Panginoon, kundi maghihimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon, ay magiging laban sa inyo ang kamay ng Panginoon gaya ng sa inyong mga ninuno.

16 Ngayon ay tumahimik kayo at tingnan ninyo ang dakilang bagay na ito na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga paningin.

17 Hindi ba pag-aani ng trigo ngayon? Ako'y tatawag sa Panginoon upang siya'y magpadala ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na napakalaki ang kasamaan na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo para sa inyong sarili ng isang hari.”

18 Kaya't tumawag si Samuel sa Panginoon at ang Panginoon ay nagpadala ng kulog at ulan nang araw na iyon. Ang buong bayan ay lubhang natakot sa Panginoon at kay Samuel.

19 Sinabi ng buong bayan kay Samuel, “Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Diyos upang huwag kaming mamatay; sapagkat aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaan ng paghingi para sa amin ng isang hari.”

20 At sinabi ni Samuel sa bayan, “Huwag kayong matakot, tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayunma'y huwag kayong lumihis mula sa pagsunod sa Panginoon, kundi kayo'y maglingkod nang buong puso sa Panginoon.

21 Huwag kayong bumaling sa pagsunod sa mga bagay na walang kabuluhan na hindi magbibigay ng pakinabang o makapagliligtas, sapagkat ang mga iyon ay walang kabuluhan.

22 Sapagkat hindi itatakuwil ng Panginoon ang kanyang bayan alang-alang sa kanyang dakilang pangalan, sapagkat kinalugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan para sa kanya.

23 Bukod dito, sa ganang akin, huwag nawang mangyari sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paghinto ng pananalangin para sa inyo, kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na daan.

24 Matakot lamang kayo sa Panginoon, at maglingkod kayo nang tapat sa kanya ng inyong buong puso. Alalahanin ninyo ang mga dakilang bagay na kanyang ginawa sa inyo.

25 Ngunit kung kayo'y gagawa pa rin ng kasamaan, kayo at ang inyong hari ay mapupuksa.”

Footnotes

  1. 1 Samuel 12:11 o Barak .

Cross references

  1. 12:6 : Exo. 6:26
  2. 12:8 : Exo. 2:23
  3. 12:9 : a Huk. 4:2; b Huk. 13:1; c Huk. 3:12
  4. 12:10 : Huk. 10:10-15
  5. 12:11 : a Huk. 7:1; b Huk. 4:6; c Huk. 11:29; d 1 Sam. 3:20
  6. 12:12 : 1 Sam. 8:19
Next
1 Samuel 11
1 Samuel 13
Next
dropdown
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences