Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Samuel, “Kung gayon, si Yahweh ang saksi ko. Saksi ko rin ang kanyang hinirang na ako'y walang ginawang masama sa inyo.”

Sumagot sila, “Iyan ay alam ni Yahweh.”

Sinabi(A) ni Samuel, “Siya nga ang saksi,[a] si Yahweh na pumili kina Moises at Aaron, at siya rin ang nagligtas sa inyong mga ninuno mula sa kamay ng mga Egipcio. Kaya nga, tumayo kayong lahat sa harapan niya at iisa-isahin ko ang mga kabutihan niyang ginawa sa inyo at sa inyong mga ninuno.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6 Siya nga ang saksi: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.