Add parallel Print Page Options

23 Sinabi ni Elkana, “Gawin mo kung ano ang inaakala mong mabuti. Hintayin mo na siyang lumaki at tulungan ka nawa ni Yahweh upang matupad ang pangako mo sa kanya.”[a] Kaya naiwan si Ana at inalagaan ang kanyang anak.

24 Nang lumaki na si Samuel, dinala siya ng kanyang ina sa bahay ni Yahweh sa Shilo. Nagdala pa siya ng isang torong tatlong taon,[b] limang salop ng harina at alak na nakalagay sa sisidlang balat. 25 Matapos ihandog ang baka, dinala nila kay Eli ang bata.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 1:23 pangako mo sa kanya: Sa ibang manuskrito'y pangako niya sa iyo .
  2. 1 Samuel 1:24 isang torong tatlong taon: Sa ibang manuskrito'y tatlong toro .