Add parallel Print Page Options

Pangwakas na Tagubilin

12 Sinulatan(A) ko kayo sa tulong ni Silas,[a] na isa nating kapatid at lubos kong pinagkakatiwalaan. Sa pamamagitan ng maikling sulat na ito ay nais kong palakasin ang inyong loob at magpatotoo na ito nga ang kagandahang-loob ng Diyos. Manatili kayo sa pagpapalang ito.

13 Kinukumusta(B) kayo ng mga kapatid na nasa Babilonia, mga pinili ring katulad ninyo; kinukumusta rin kayo ni Marcos, na aking anak sa pananampalataya. 14 Magbatian kayo bilang magkakapatid na nagmamahalan.[b]

Ang kapayapaan ay sumainyong lahat na mga nakipag-isa kay Cristo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Pedro 5:12 Silas: o kaya'y Silvano .
  2. 1 Pedro 5:14 bilang magkakapatid na nagmamahalan: Sa Griego ay sa pamamagitan ng banal na halik .