Add parallel Print Page Options

13 Magalak kayo na kayo ay naging bahagi sa mga paghihirap ni Cristo. Kapag nahayag na ang kaniyang kaluwalhatian labis kayong magagalak. 14 Kapag kayo ay inalipusta dahil sa pangalan ni Cristo, pinagpala kayo sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay nananahan sa inyo. Sa ganang kanila, siya ay inalipusta, ngunit sa ganang inyo siya ay pinarangalan. 15 Huwag magdusa ang sinuman sa inyo bilang mamamatay tao, o magnanakaw, o gumagawa ng masama o mapanghimasok sa gawain ng iba.

Read full chapter