Add parallel Print Page Options

Ngunit kayo ay isang lahing hinirang, makaharing pagka­saserdote, isang bansang banal at taong pag-aari ng Diyos. Ito ay upang ipahayag ninyo ang kaniyang kadakilaan na siya rin naman ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kaniyang kamangha-manghang kaliwanagan. 10 Noong naka­raan, kayo ay hindi niya tao ngunit ngayon ay tao na ng Diyos. Noon ay hindi kayo nagkamit ng kahabagan ngunit ngayon ay nagkamit na ng kahabagan.

11 Mga minamahal, bilang mga dayuhan at mga pansa­mantalang naninirahan, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo ay lumayo sa masamang pagnanasa ng laman na nakikipaglaban sa kaluluwa.

Read full chapter