Add parallel Print Page Options

Ito ang inyong ikinagagalak bagamat, ngayon sa sandaling panahon kung kinakailangan, ay pinalulumbay kayo sa iba’t ibang pagsubok. Ito ay upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya, na lalong higit na mahalaga kaysa ginto na nasisira, bagaman sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ika­pupuri, ikararangal at ikaluluwalhati ni Jesucristo sa kaniyang kapahayagan. Kahit na hindi ninyo siya nakita, inibig ninyo siya. Kahit hindi ninyo siya nakikita ngayon ay nananam­palataya kayo sa kaniya. Dahil dito, nagagalak kayo ng kagalakang hindi kayang ipaliwanag sa salita at puspos ng kaluwalhatian.

Read full chapter