Add parallel Print Page Options

17 Ang Ama ay humahatol nang walang pagtatangi ayon sa gawa ng bawat isa. Yamang tinatawag ninyo siyang Ama, ang inyong pag-uugali ay dapat may pagkatakot sa panahon nakayo ay namumuhay bilang mga dayuhan. 18 Nalalaman ninyong tinubos kayo mula sa walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na minana ninyo sa inyong mga ninuno. Ang ipinangtubos sa inyo ay hindi nasisirang mga bagay na gaya ng pilak at ginto. 19 Subalit ang ipinangtubos sa inyo ay ang mahalagang dugo ni Cristo. Siya ay tulad ng isang korderong walang kapintasan at walang dungis.

Read full chapter