Add parallel Print Page Options

Pagbati

Mula kay Pedro, apostol ni Jesu-Cristo,

Para sa mga hinirang ng Diyos na naninirahan bilang mga dayuhan at nagsikalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia. Kayo'y pinili ng Diyos Ama ayon sa kanyang kaalaman sa mula't mula pa at ginawang banal ng Espiritu upang sumunod kay Jesu-Cristo at mawisikan ng kanyang dugo:

Nawa'y sumagana sa inyo ang biyaya at kapayapaan.

Buháy na Pag-asa

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa laki ng kanyang dakilang kahabagan ay muli tayong ipinanganak sa isang buháy na pag-asa sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa kamatayan,

Read full chapter