Add parallel Print Page Options

12 Sa gayo'y nilipol ni Zimri ang buong sambahayan ni Baasa, ayon sa salita ng Panginoon, na kanyang sinabi laban kay Baasa, sa pamamagitan ni Jehu na propeta,

13 dahil sa lahat ng mga kasalanan ni Baasa, at sa mga kasalanan ni Ela na kanyang anak, na kanilang ginawa, na sanhi ng pagkakasala ng Israel upang ibunsod sa galit ang Panginoon, ang Diyos ng Israel sa pamamagitan ng kanilang mga diyus-diyosan.

14 Ang iba pa sa mga gawa ni Ela, at ang lahat na kanyang ginawa, hindi ba nasusulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Kasaysayan[a] ng mga hari ng Israel?

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 16:14 o Cronica .