Add parallel Print Page Options

19 Nalalaman natin na tayo ay sa Diyos at ang buong sanlibutan ay nasa kamay ng masama. 20 Alam nating naparito ang Anak ng Diyos at binigyan tayo ng pang-unawa upang makilala natin siya na totoo. Tayo ay nasa kaniya na totoo, samakatuwid, sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.

21 Munting mga anak, lumayo kayo sa mga diyos-diyosan. Siya nawa!

Read full chapter