Add parallel Print Page Options

15 Yamang alam nating dinirinig niya tayo sa anumang hingin natin, alam din nating natatamo natin ang mga kahilingan na hiningi sa kaniya.

16 Maaaring may makakita sa kaniyang kapatid na gumagawa ng kasalanang hindi ikamamatay. Humiling siya sa Diyos para sa kaniya at magbibigay ng buhay ang Diyos sa kaniya. Ito ay para sa mga nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay. Hindi ko sinasabing idalangin niya ito. 17 Ang lahat ng kalikuan ay kasalanan. Ngunit may kasalanang hindi ikamamatay.

Read full chapter