Add parallel Print Page Options

Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diyablo sapagkat ang diyablo ay nagkakasala na buhat pa sa pasimula. Ang Anak ng Diyos ay nahayag sa dahilang ito upang wasakin niya ang mga gawa ng diyablo. Ang sinumang ang kapanganakan ay mula sa Diyos ay hindi nagpapatuloy sa kasalanan sapagkat ang kaniyang binhi ay nananatili sa kaniya. At hindi siya maaaring magkasala sapagkat ang kaniyang kapanganakan ay mula sa Diyos. 10 Sa ganitong paraan nahahayag ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diyablo. Ang sinumang hindi gumagawa ng matuwid at hindi umiibig sa kaniyang kapatid ay hindi sa Diyos.

Read full chapter