Add parallel Print Page Options

26 Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga mandaraya sa inyo.

27 Tungkol sa inyo, ang pagpapahid[a] na inyong tinanggap ay nananatili sa inyo, kaya't hindi na ninyo kailangan pang kayo'y turuan ng sinuman. Ngunit kayo'y tinuturuan ng kanyang pagpapahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at ito'y totoo at hindi kasinungalingan, kung paanong kayo'y tinuruan nito, ay gayon kayo manatili sa kanya.

28 At ngayon, mga munting anak, manatili kayo sa kanya; upang kung mahayag siya ay magkaroon kayo ng pagtitiwala, at hindi mapahiya sa harapan niya sa kanyang pagdating.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Juan 2:27 o pagbubuhos .