Add parallel Print Page Options

19 Sila ay humiwalay sa atin, bagama't hindi naman talaga sila naging bahagi natin. Sapagkat kung sila'y naging bahagi natin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ang kanilang pag-alis ay naghahayag lamang na walang sinuman sa kanila ang kabilang sa atin. 20 Subalit tumanggap kayo ng kaloob mula sa kanya na Banal, kaya't nalalaman ninyo ang buong katotohanan. 21 Sumusulat ako sa inyo hindi dahil hindi ninyo alam ang katotohanan, kundi dahil nalalaman ninyo ito at nalalaman ninyo na walang kasinungalingang nagmumula sa katotohanan.

Read full chapter