Add parallel Print Page Options

17 Lilipas ang sanlibutan at ang pagnanasa nito, subalit ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman.

Ang Anti-Cristo

18 Munting mga anak, huling oras na! Tulad ng inyong narinig, ang anti-Cristo ay darating. At ngayon, marami na ngang anti-Cristo ang dumating. Kaya't alam natin na huling oras na. 19 Sila ay humiwalay sa atin, bagama't hindi naman talaga sila naging bahagi natin. Sapagkat kung sila'y naging bahagi natin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ang kanilang pag-alis ay naghahayag lamang na walang sinuman sa kanila ang kabilang sa atin.

Read full chapter