Add parallel Print Page Options

19 Si Geber na anak ni Uri, na namamahala sa Gilead na sakop noon ni Sihon na hari ng mga Amoreo at ni Haring Og ng Bashan. Si Geber lang ang gobernador sa buong distritong ito.[a]

Ang Kasaganaan at ang Karunungan ni Solomon

20 Ang bilang ng mga tao sa Juda at Israel ay tulad ng buhangin sa dalampasigan na hindi mabilang. Sagana sila sa pagkain at inumin, at masaya sila. 21 Si Solomon ang namamahala sa lahat ng kaharian mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo, hanggang sa hangganan ng Egipto. Ang mga kahariang ito ay nagbabayad ng buwis kay Solomon at nagpapasakop sa kanya habang nabubuhay siya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:19 Si Geber lang … distritong ito: o, At may isang gobernador na pinagkatiwalaan sa buong lupain ng Juda. Itoʼy ayon sa ibang mga tekstong Griego.