Add parallel Print Page Options

Isinumpa ng Propeta ang Altar sa Betel

13 Ngayon, inutusan ng Panginoon ang isang lingkod niyang taga-Juda na pumunta sa Betel. Pagdating niya roon, nakatayo si Jeroboam sa tabi ng altar para maghandog. Inutusan ng Panginoon ang lingkod niya na isumpa ang altar na iyon. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa altar na ito: May isisilang na isang sanggol sa pamilya ni David na ang pangalan ay Josia. Papatayin niya at ihahandog sa altar na ito ang mga pari na naglilingkod sa mga sambahan sa matataas na lugar[a] at naghahandog sa altar na ito. Masusunog ang kanilang mga buto sa altar na ito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:2 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.