Add parallel Print Page Options

3-4 Si Hur ang panganay ni Efrata na asawa ni Caleb at ang kanyang mga apo ang nagtatag ng lunsod ng Bethlehem. Tatlo ang anak na lalaki ni Hur: sina Etam, Penuel, at Ezer. Ang mga anak na lalaki[a] naman ni Etam ay sina Jezreel, Isma at Idbas. Hazzelelponi ang pangalan ng kapatid nilang babae. Si Penuel ang nagtatag ng lunsod ng Gedor, at si Ezer naman ang nagtatag ng Husa.

Si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. Naging anak ni Asur kay Naara sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahastari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Cronica 4:3 mga anak na lalaki: Sa ibang manuskrito'y mga ninuno .