Add parallel Print Page Options

Si Penuel ang ama ni Gedor, at si Ezer ang ama ni Husha. Sila ang mga angkan ni Hur na panganay na anak ni Efrata. Si Hur ang ninuno ng mga taga-Betlehem.

Si Ashur na ama ni Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. Ang mga anak na lalaki nina Naara at Ashur ay sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahashtari.

Read full chapter