Font Size
1 Cronica 11:21-23
Magandang Balita Biblia
1 Cronica 11:21-23
Magandang Balita Biblia
21 Siya ang pinakamatapang sa Tatlumpu[a] kaya naging pinuno ng mga ito. Ngunit hindi niya napantayan ang Tatlong mandirigma.
22 Kabilang din sa mga kinilalang kawal si Benaias na anak ni Joiadang taga-Kabzeel. Siya naman ang pumatay sa dalawang mandirigma sa Moab, at lumusong sa balon minsang taglamig at pumatay sa leong naroon. 23 Siya rin ang pumatay sa higanteng Egipcio na dalawa't kalahating metro ang taas at may armas na isang sibat na ang hawakan ay napakalaki. Sinagupa niya ito na ang hawak lamang niya'y batuta, ngunit naagaw niya ang sibat. Ito na rin ang ginamit niya sa pagpatay sa higante.
Read full chapterFootnotes
- 1 Cronica 11:21 Tatlumpu: Sa ibang manuskrito'y Tatlo .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.