Add parallel Print Page Options

31 Jetur, Nafis at Kedema. Sila ang mga anak na lalaki ni Ishmael. 32 Ang mga anak na lalaki ni Ketura na isa pang asawa ni Abraham ay sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak at Shua. Ang mga anak na lalaki ni Jokshan ay sina Sheba at Dedan. 33 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang angkan ni Ketura.

Read full chapter