Add parallel Print Page Options

12 Yamang ang iba ay kabahagi sa karapatan sa inyo, hindi ba kami rin?

Gayunman, hindi namin ginamit ang karapatang ito. Sa halip, binata namin ang lahat ng bagay upang hindi namin mahadlangan ang ebanghelyo ni Cristo.

13 Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga gumagawa ng mga banal na bagay sa templo ay kumakain mula sa mga bagay na nasa templo? Hindi ba sila na mga naglilingkod sa dambana, ay kabahagi samga handog sa dambana? 14 Sa gayunding paraan, itinalagang Panginoon na sila na nangangaral ng ebanghelyo ay mamumuhay sa ebanghelyo.

Read full chapter