Add parallel Print Page Options

11 Kung(A) kami ay nakapaghasik sa inyo ng mga bagay na espirituwal, kalabisan ba na aming anihin ang inyong mga bagay na materyal?

12 Kung ang iba ay mayroong ganitong karapatan sa inyo, hindi ba higit pa kami? Gayunma'y hindi namin ginamit ang karapatang ito, kundi tinitiis namin ang lahat ng mga bagay, upang huwag kaming makahadlang sa ebanghelyo ni Cristo.

13 Hindi(B) ba ninyo nalalaman na ang mga gumagawa ng paglilingkod sa templo ay kumakain ng mga bagay na mula sa templo, at ang mga naglilingkod sa dambana ay mga kabahagi ng mga handog sa dambana?

Read full chapter