1 Corinto 8:4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Kaya't tungkol sa pagkain ng mga inialay sa mga diyus-diyosan, alam natin na walang totoong diyos na inilalarawan ng mga diyus-diyosan sa sanlibutan, at walang Diyos maliban sa isa.
Read full chapter
1 Corinto 8:7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 Subalit hindi lahat ng mga tao ay may ganitong kaalaman. At may ibang nasanay na sa mga diyus-diyosan hanggang ngayon ay kumakain na para bang totoong inialay sa diyus-diyosan ang pagkain, at dahil mahina ang kanilang budhi, inaakala nilang sila'y nadungisan.
Read full chapter
1 Corinto 8:10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Sapagkat kapag may nakakita sa iyo, ikaw na mayroong alam, na nakikisalo ka sa pagkain sa loob ng templo ng diyus-diyosan, hindi kaya ang kanyang mahinang budhi ay mahikayat na kumain ng mga bagay na inialay sa mga diyus-diyosan?
Read full chapter
Mga Gawa 15:29
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
29 Huwag kayong kakain ng anumang ihinandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo, at ng mga binigting hayop. Huwag kayong makikiapid. Iwasan ninyo ang mga bagay na ito at mapapabuti kayo. Paalam.”
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.