Add parallel Print Page Options

21 Hindi ninyo maiinuman ang kopa ng Panginoon at ang kopa ng mga demonyo. Kayo'y hindi maaaring makisalo sa mesa ng Panginoon at sa mesa ng mga demonyo.

22 O(A) atin bang papanibughuin ang Panginoon? Tayo ba'y higit na malakas kaysa kanya?

Gawin ang Lahat sa Ikaluluwalhati ng Diyos

23 “Lahat(B) ng mga bagay ay matuwid,” ngunit hindi lahat ng bagay ay makakabuti. “Lahat ng mga bagay ay matuwid,” ngunit hindi ang lahat ng mga bagay ay makakapagpatibay.

Read full chapter