Add parallel Print Page Options

29 Walang kapantay ang katalinuhan at karunungang ipinagkaloob ni Yahweh kay Solomon. Walang katulad ang kanyang kaalaman. 30 Ito ay higit sa karunungan ng lahat ng mga matatalinong tao sa silangan at sa buong Egipto. 31 Mas(A) marunong siya kaysa sinumang tao. Mas marunong siya kay Etan na mula sa angkan ni Ezra, at kina Heman, Calcol, Darda, na mga anak ni Machol. Naging tanyag siya sa lahat ng bansa sa paligid.

Read full chapter

14 Kay dunong mo, Solomon, nang ikaw ay bata pa!
    ang karunungan mo'y parang ilog na umaapaw.[a]
15 Ang kapangyarihan ng katalinuhan mo'y lumaganap sa buong daigdig
    at nakilala sa lahat ng dako ang iyong mga salawikain.
16 Nabantog ang pangalan mo sa malalayong lupain,
    at minahal ka ng lahat dahil sa mapayapa mong paghahari.
17 Hinangaan sa buong daigdig ang iyong mga salawikain,
    ang iyong mga awit, kawikaan at paliwanag.
18 Sa(A) ngalan ng Panginoong Diyos,
    na tinatawag ding Diyos ng Israel,
nagtipon ka ng napakaraming ginto at pilak
    na para bang lata o tingga sa kasaganaan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14 ilog na umaapaw: Ganito ang nasa tekstong Griego. Sa tekstong Hebreo ay Ilog Nilo .