Add parallel Print Page Options

25 Nang(A) ikalimang taon ni Haring Rehoboam, si Shishac na hari ng Ehipto ay umahon laban sa Jerusalem.

26 Kanyang(B) tinangay ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari; ang mga iyon ay kanyang tinangay na lahat. Tinangay rin niya ang lahat ng kalasag na ginto na ginawa ni Solomon.

27 Si Haring Rehoboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga iyon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga pinuno ng bantay na nag-iingat ng pintuan ng bahay ng hari.

28 Tuwing pumapasok ang hari sa bahay ng Panginoon, dinadala ang mga iyon ng bantay, at ibinabalik sa silid ng mga bantay.

Read full chapter