Add parallel Print Page Options

23 Sa gayo'y si Haring Solomon ay nakakahigit sa lahat ng mga hari sa daigdig sa kayamanan at karunungan.

24 Nais ng buong daigdig na makaharap si Solomon upang makinig sa kanyang karunungan na inilagay ng Diyos sa kanyang puso.

25 Bawat isa sa kanila ay nagdala ng kanya-kanyang kaloob, mga kagamitang pilak at ginto, mga damit, mga sandata, mga pabango, mga kabayo, at mga mola, na napakarami taun-taon.

Ang mga Karwahe at mga Kabayo ni Solomon

26 Nagtipon(A) si Solomon ng mga karwahe at ng mga mangangabayo; siya'y may isang libo't apatnaraang karwahe at labindalawang libong mangangabayo na kanyang inilagay sa mga lunsod para sa mga karwahe, at mayroon ding kasama ng hari sa Jerusalem.

27 Ginawa(B) ng hari na karaniwan ang pilak sa Jerusalem na tulad ng bato, at ang mga sedro ay ginawa niyang kasindami ng mga puno ng sikomoro ng Shefela.

Read full chapter

22 Sa gayon nakahigit si Haring Solomon sa lahat ng hari sa lupa sa kayamanan at sa karunungan.

23 Lahat ng mga hari sa lupa ay nagnais na makaharap si Solomon upang makinig sa karunungan niya na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya.

24 Bawat isa sa kanila ay nagdala ng kanya-kanyang kaloob, mga bagay na yari sa pilak at ginto, mga damit, mira, mga pabango, mga kabayo, at mga mola, ganoon karami taun-taon.

25 Kaya't(A) si Solomon ay may apat na libong silungan ng kabayo at mga karwahe, at labindalawang libong mangangabayo, na kanyang inilagay sa mga bayan ng mga karwahe, at kasama ng hari sa Jerusalem.

26 Siya'y(B) namuno sa lahat ng mga hari mula sa Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Ehipto.

27 Ginawa ng hari ang pilak sa Jerusalem na karaniwan gaya ng bato, at ang mga sedro na kasindami ng mga puno ng sikomoro ng Shefela.

Read full chapter