Add parallel Print Page Options

56 ay dumating mula sa Persia at Media, kasama ang hukbo ng namatay na hari. Balak niyang agawin ang pamahalaan. 57 Nabalitaan ito ni Lisias, kaya sinabi niya sa hari, sa mga pinuno at sa buong hukbo, “Umuwi na tayo. Nadarama kong humihina tayo araw-araw. Kakaunti na ang ating pagkain. Malakas ang ating sinasakop. Mabuti pa'y ang ating kaharian na lamang ang pangalagaan natin. 58 Makipagkasundo na tayo sa mga taong ito. 59 Pabayaan na natin silang sumunod sa kanilang mga kautusan at kaugalian, tulad noong araw. Nagagalit sila sapagkat ipinagbawal natin ang pinaniniwalaan nilang mga utos ng Diyos.”

60 Ang mungkahing ito'y sinang-ayunan ng hari at ng mga pinuno. Nagpahatid sila ng alok na makipagkasundo sa mga Judio at pumayag naman ang mga ito. 61 Nang maisaayos ang kasunduan, lumabas ang mga Judio sa kanilang mga kuta.

Read full chapter