Add parallel Print Page Options

Ang Pagkamatay ni Haring Antioco IV(A)

Minsa'y naglalakbay ang Haring Antioco IV sa mga lalawigan sa loob ng bansa. Nabalitaan niya na ang Elymas sa Persia ay kilala dahil sa dami ng pilak at ginto. Ang templo nito ay napakayaman at may mga gintong helmet, kasuotang bakal, at mga sandata. Ang mga ito ay iniwan doon ni Alejandrong anak ni Haring Felipe ng Macedonia, ang kauna-unahang hari sa Grecia. Sa paghahangad ni Antiocong matamo ang mga kayamanang ito, binalak niyang lusubin ang lunsod. Ang balak na ito ay umabot sa kaalaman ng mga tagaroon. Nabigo ang kanyang plano, sapagkat nilabanan siya ng mga tagaroon. Malungkot siyang umatras at nagbalik sa Babilonia.

Nasa Persia ang Haring Antioco nang may magbalita sa kanya na nasindak at umatras ang mga hukbong pinasalakay sa Judea. Nabalitaan din niya na si Lisias at ang malaking hukbo nito ay napaatras din ng mga Israelita. Kaya't ang mga Israelita'y bantog na sa lakas dahil sa nabihag nilang mga tauhan at kagamitan ng mga hukbong kanilang nalupig. Umabot(B) din sa kaalaman niya na inalis na ang tinatawag niyang “Kalapastanganang Walang Kapantay” na inilagay niya sa altar sa Jerusalem at ang Templo ay pinaligiran ng mataas na pader; pati ang kanyang lunsod ng Beth-sur ay nilagyan ng pader.

Read full chapter

11 “Nagpapasalamat kami sa Diyos sa pagliligtas niya sa amin sa panganib at pamamatnubay sa aming pakikidigma laban sa hari. 12 Siya ang nagpalayas sa mga nangahas lumusob sa banal na lunsod. 13 Nang(A) dumating sa Persia si Haring Antioco, kasama ang isang hukbong parang hindi matatalo, sila'y pinatay at pinagputul-putol sa Templo ng diyosang si Nanea. Ito'y isinagawa ng mga tusong pari ng diyosa. 14 Si Antioco ay pumunta sa Templo kasama ang mga tagapayo niya at nagkunwang pakakasal sa diyosa upang makamkam ang kayamanan doon bilang regalo sa kanilang pag-iisang-dibdib. 15 Nang mailabas ng mga pari ang mga kayamanan, pumunta sa templo si Antioco at ang mga kaibigan niya para kunin ang mga iyon; ngunit nang nasa loob na sila, isinara ng mga pari ang mga pinto. 16 At isang lihim na lagusan sa kisame ang kanilang binuksan at mula roo'y binato nila ang mga panauhin hanggang sa mamatay. Pinagputul-putol nila ang mga bangkay at inihagis ang mga ulo sa labas. 17 Purihin ang ating Diyos na naglalapat ng parusa sa mga lapastangan.

Read full chapter