Add parallel Print Page Options

29 Si Jeyel[a] na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca. 30 Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Zur, Kish, Baal, Ner,[b] Nadab, 31 Gedor, Ahio, Zeker,[c] 32 at Miklot na ama ni Shimea.[d] Tumira sila malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem. 33 Si Ner ang ama ni Kish, si Kish ang ama ni Saul, at si Saul ang ama ni Jonatan, Malki Shua, Abinadab at Eshbaal.[e] 34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib Baal[f] na ama ni Micas. 35 Ang mga anak na lalaki ni Micas ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 36 Si Ahaz ang ama ni Jehoada,[g] at si Jehoada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza, 37 at si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Rafa,[h] na ama ni Eleasa, na ama ni Azel. 38 Si Azel ay may anim na anak na lalaki na sina Azrikam, Bokeru, Ishmael, Shearia, Obadias at Hanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:29 Jeyel: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint.
  2. 8:30 Ner: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint.
  3. 8:31 Zeker: o, Zacarias.
  4. 8:32 Shimea: o, Shimeam.
  5. 8:33 Eshbaal: siya rin si Ishboshet.
  6. 8:34 Merib Baal: siya rin si Mefiboset.
  7. 8:36 Jehoada: o, Jada.
  8. 8:37 Rafa: o, Refaya.